PEBRERO 17, 2017
RUSSIA
Supreme Court ng Russia, Nagdesisyong Buwagin ang Isa Pang Legal na Korporasyon Salig sa Paratang na Ekstremismo
Noong Pebrero 9, 2017, nagdesisyon ang Supreme Court of the Russian Federation na buwagin ang Birobidzhan Local Religious Organization (LRO) ng mga Saksi ni Jehova. Pinagtibay ng Hukuman ang desisyon ng mababang hukuman na nagdedeklarang ekstremista ang LRO at nagbabawal sa gawain nito.
Ang desisyon ng mababang hukuman ay batay sa gawa-gawang ebidensiya. Noong Pebrero 2015 at Enero 2016, nagtanim ang mga pulis ng ipinagbabawal na literatura sa isang pasilidad na inuupahan ng mga Saksi para sa kanilang pagsamba at pagkatapos ay “natuklasan” ang mga iyon. Sa insidente noong Enero, pinahinto ng nakamaskarang mga pulis ang isang relihiyosong pagtitipon at nagtanim ng literatura sa ilalim ng isang silya kahit nakatingin ang mga dumalo.
Ang Birobidzhan LRO, na nasa Jewish Autonomous Region ng Russia, ang unang LRO na bubuwagin mula nang ipasiya ng Moscow City Court na ang babala ng General Prosecutor sa pambansang punong-tanggapan ng mga Saksi ay puwedeng ipatupad.