Mahahalagang Pangyayari sa Russia
MAYO 5, 2018—Pabor ang Saint Petersburg City Court sa desisyon na kumpiskahin ng Estado ang Administrative Center of Jehovah’s Witnesses sa Russia
HULYO 17, 2017—Pinagtibay ng Appellate Chamber of the Russian Federation Supreme Court ang desisyon nito noong Abril 20. Ipinagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia
ABRIL 20, 2017—Nagdesisyon ang Russian Federation Supreme Court na ipagbawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Russia
NOBYEMBRE 30, 2015—Hinatulan ng kasong kriminal ang lahat ng 16 na Saksi na muling nilitis ng mga awtoridad sa Taganrog dahil sa kanilang pananampalataya. Ipinagpaliban ng hukom ang mga sentensiya sa kanila
DISYEMBRE 2, 2014—Ipinagbawal ng Supreme Court of the Russian Federation ang jw.org
HULYO 30, 2014—Hinatulan ng kasong kriminal ang 7 sa 16 na Saksi na nilitis ng mga awtoridad sa Taganrog dahil sa kanilang pananampalataya
HUNYO 10, 2010—Idineklara ng European Court of Human Rights na ang pagbabawal sa Moscow Community of Jehovah’s Witnesses ay paglabag sa karapatang pantao
SETYEMBRE 11, 2009—Idineklara ng Rostov Regional Court na ekstremista ang 34 na publikasyon ng mga Saksi ni Jehova
2009—Ipinatupad ng mga awtoridad ng Russia sa maling paraan ang Federal Law on Counteracting Extremist Activity
MARSO 26, 2004—Ipinagbawal ang Moscow Community of Jehovah’s Witnesses
MARSO 1996—Lubusang pinawalang-sala ang mga Saksi ni Jehova at idineklarang biktima sila ng politikal na panunupil
DISYEMBRE 11, 1992—Legal na inirehistro ng Russian Federation ang mga Saksi ni Jehova
MARSO 27, 1991—Legal na inirehistro ng Soviet Union ang mga Saksi ni Jehova
OKTUBRE 1965—Nabawasan ang mga restriksiyon at pag-uusig ng gobyerno
ABRIL 1951—Mga 9,500 Saksi mula sa anim na republika ng Soviet ang ipinatapon sa Siberia
1928—Hindi pinayagan ang mga Saksi ni Jehova na legal na mairehistro; nagsimula ang mga taon ng pag-uusig
1891—Unang Russian na Saksi na ipinatapon sa Siberia
1887—Unang naitalang pagpapadala sa Russia ng The Watchtower sa pamamagitan ng koreo