Pumunta sa nilalaman

HULYO 27, 2017
RUSSIA

Mungkahi ng Russia—Ideklarang “Ekstremista” ang Bibliya

Mungkahi ng Russia—Ideklarang “Ekstremista” ang Bibliya

UPDATE: Vyborg City Court—Ipinagpaliban ang kaso hanggang Agosto 9, 2017.

Sa Hulyo 28, 2017, itutuloy ng Vyborg City Court ang pagdinig sa kaso para ideklarang “ekstremista” ang New World Translation of the Holy Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova sa wikang Russian. Ang kaso ay ipinagpaliban mula noong Abril 2016 pagkatapos magdesisyon ng hukom pabor sa sinasabi ng Leningrad-Finlyandskiy Transport Prosecutor na nagsaayos ng isang “pagsusuri ng eksperto” para ideklarang “ekstremista” ang New World Translation.

Pagkatapos ng maraming pag-antala, natapos ang pagsusuri at isinumite ito sa korte noong Hunyo 22, 2017. Gaya ng inaasahan ng mga Saksi, sinuportahan ng pagsusuri na ipahayag ang Bibliyang ito na isang publikasyong “ekstremista.” Sinasabi ng pagsusuri na ang New World Translation ay “hindi isang Bibliya.” Pero ito ay isang pagsisikap para lusutan ang Law on Counteracting Extremist Activity, na nagbabawal sa pagdedeklarang ekstremista ang mga sagradong aklat, gaya ng Bibliya. Bukod diyan, ibinatay ng “pagsusuri ng eksperto” ang konklusyon nito sa teolohikal na kadahilanan. Tinutulan ng mga awtor nito ang pagsasalin ng New World Translation sa Tetragrammaton * bilang “Jehova” at may kasinungalingang sinasabi na ang teksto ay binago para umayon sa doktrina ng mga Saksi.

^ par. 3 Ang Tetragrammaton ang apat-na-letrang Hebreo ng pangalan ng Diyos (יהוה), na ang transliterasyon ay YHWH o JHVH at lumilitaw nang halos 7,000 beses sa Hebreong Kasulatan.