Pumunta sa nilalaman

HULYO 22, 2016
RUSSIA

Pagdinig sa Bantang Ipasara ang Punong-Tanggapan ng mga Saksi sa Russia Ipinagpaliban Hanggang sa Setyembre

Pagdinig sa Bantang Ipasara ang Punong-Tanggapan ng mga Saksi sa Russia Ipinagpaliban Hanggang sa Setyembre

Ang Tver District Court ng Moscow ay nagsagawa ng pretrial hearing sa apela ng mga Saksi laban sa nagbababalang liham ng Prosecutor General na nagbabantang ipasara ang kanilang pambansang punong-tanggapan. Dininig ng korte ang panimulang mga argumento at ipinagpaliban ang kaso hanggang sa Setyembre 23, 2016. Sa panahong iyon, gagawin ng korte ang aktuwal na pagdinig. Ang pretrial hearing ay dinaluhan ng mga diplomat mula sa ilang embahada sa Moscow.

Nagbabanta rin sa kalayaan sa pagsamba ng mga Saksi ang iba pang pagkilos ng gobyerno kamakailan. Nagkabisa noong Hulyo 20, 2016, ang ilang bagong amyenda sa Federal Law on Freedom of Conscience and on Religious Associations. Panahon ang makapagsasabi kung paano ipatutupad ng mga awtoridad sa Russia ang bagong mga regulasyon pagdating sa relihiyosong gawain ng mga Saksi ni Jehova.