Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 27, 2016
RUSSIA

Pagdinig sa Bantang Ipasara ang Punong-Tanggapan ng mga Saksi sa Russia, Ipinagpaliban Uli

Pagdinig sa Bantang Ipasara ang Punong-Tanggapan ng mga Saksi sa Russia, Ipinagpaliban Uli

Noong Setyembre 23, 2016, ipinagpaliban ng Tver District Court ng Moscow ang pagdinig sa apela ng mga Saksi laban sa babalang ipasasara at bubuwagin ang kanilang pambansang punong-tanggapan. Tatlong araw na lang bago ang nakaiskedyul na pagdinig, nagharap ang Prosecutor General’s Office ng kanilang pagtutol kalakip ang mahigit 200 pahina ng materyal. Nagsumite ang mga Saksi ng motion para mapag-aralan ang mga dokumento, kaya ipinasiya ng hukom na ipagpatuloy ang pagdinig sa Oktubre 12, 2016. Sa panahong iyon, susuriin ng korte ang apela ng mga Saksi pati na ang legalidad ng babala laban sa Administrative Center.