Pumunta sa nilalaman

HULYO 4, 2014
RUSSIA

Mga Saksi ni Jehova Nililitis sa Taganrog

Mga Saksi ni Jehova Nililitis sa Taganrog

Ang paglilitis sa 16 na Saksi ni Jehova sa Taganrog, Russia​—na nasa ika-14 na buwan na ngayon—ay nagpapatuloy hanggang Hulyo 2014. Sinuri ng korte ang mahigit 60 tomo ng “ebidensiya” na ang kalakhang bahagi ay binubuo ng mga rekording ng mga pulong, panalangin, at pagbabasa ng Bibliya​—na kapareho ng relihiyosong mga gawain ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo.

Nakataya sa kasong ito ang kalayaan sa pagsamba ng mga akusado at ng 800 iba pang Saksi sa Taganrog. Lahat ng 16 na Saksi ay tumestigo na hindi nila tatalikuran ang kanilang pananampalataya at ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsamba bilang mga Saksi ni Jehova anuman ang maging desisyon ng korte.

Makikita sa video na ito ang ilan sa mga akusado at ang kanilang mga abogado habang ipinakikipaglaban ang kalayaan sa pagsamba sa kabila ng di-makatarungang pag-uusig.