Pumunta sa nilalaman

ABRIL 3, 2017
RUSSIA

Video: Reaksiyon ng mga Eksperto sa Bantang Ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia

Video: Reaksiyon ng mga Eksperto sa Bantang Ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia

Sa Abril 5, 2017, inaasahang ibababa ng Supreme Court ng Russian Federation ang desisyon nito kung bubuwagin ang lahat ng legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa Russia at ipagbabawal ang kanilang gawain sa bansa. Kung hindi magiging pabor sa mga Saksi ang desisyon, ituturing na labag sa batas ang kanilang pagsamba. Ang ilang eksperto sa mga karapatang pantao mula sa Russia at ibang bansa ay nagkomento tungkol sa di-makatarungang pagkilos ng mga awtoridad sa Russia at, kung ipagbabawal ang mga Saksi ni Jehova, sa magiging epekto nito hindi lang sa mga Saksi kundi pati sa reputasyon ng Russia sa daigdig at sa kalayaan sa pagsamba ng mga mamamayan nito.

  • Heiner Bielefeldt: “Kung ekstremista ang mga Saksi ni Jehova, lahat tayo ekstremista.”

    Former UN Special Rapporteur on Freedom of Religion or Belief

  • Richard Clayton, QC: “Nakapangingilabot na paggamit ng batas para sa napakasamang layunin.”

    Abogado ng International Human Rights at Kinatawan ng UK sa Venice Commission

  • Dr. Massimo Introvigne: “Ito lang ang kaugnayan ng mga Saksi ni Jehova sa karahasan—mga biktima sila ng karahasan.”

    Sociologist and Former Representative of the OSCE on Combating Racism, Xenophobia, Discrimination

  • Annika Hvithamar: ‘Kung ekstremista ang mga Saksi ni Jehova, maaakusahan din ng pagiging ekstremista ang karamihan sa mga relihiyong Kristiyano.’

    Associate Professor/Head of Studies, Department of Cross-Cultural and Regional Studies, University of Copenhagen

  • Lyudmila Alekseyeva: “Hindi lang isang pagkakamali—isa itong krimen.”

    Chairwoman of the Moscow Helsinki Group, Member of the Russian Presidential Council for Civil Society and Human Rights

  • Anatoly Vasilyevich Pchelintsev: “Ipagtanggol natin ang mga Saksi ni Jehova!”

    Editor in Chief of the Journal Religion and Law

  • Vladimir Vasilyevich Ryakhovskiy: “Lagi itong nagsisimula sa mga Saksi ni Jehova at pagkatapos ay nadadamay ang lahat.”

    Member of the Presidential Council for Civil Society and Human Rights

  • Maksim Shevchenko: “Labag ito sa mahahalagang simulain ng kalayaang sumunod sa udyok ng budhi.”

    Presidente ng Center for Strategic Study of Religions and Politics of the Modern World

  • Dr. Hubert Seiwert: ‘Ang lahat ng akusasyong iniharap sa maraming paglilitis sa korte laban sa mga Saksi ni Jehova ay walang batayan.’

    Professor sa Institute of Religious Studies sa University of Leipzig

  • Mercedes Murillo Muñoz: “Malaki ang tiwala ng Estado sa relihiyong ito.”

    Professor ng Ecclesiastical Law sa University of King Juan Carlos (Spain)

  • Consuelo Madrigal: “Hindi ko itinuturing na mapanganib [ang mga Saksi ni Jehova].”

    Abogado at Dating Attorney General ng Spain