Pumunta sa nilalaman

ABRIL 7, 2017
RUSSIA

Sa Ikatlong Araw ng Pagdinig sa Supreme Court ng Russia, Nagharap ng Testimonyo ang mga Saksi ni Jehova

Sa Ikatlong Araw ng Pagdinig sa Supreme Court ng Russia, Nagharap ng Testimonyo ang mga Saksi ni Jehova

NEW YORK—Tapos na ang ikatlong araw ng pagdinig sa harap ng Supreme Court ng Russia, at idineklara ng Hukuman na ipagpapatuloy ito sa Miyerkules, Abril 12, 2017, alas-10 ng umaga. Sa pagdinig sa araw na ito, pinakinggan ng Hukuman ang testimonyo ng apat na Saksi ni Jehova, na nagharap ng mahahalagang argumento laban sa kahilingan ng Ministry of Justice na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova at ipagbawal ang kanilang gawain.

Nagharap ang judge ng maraming tanong sa Ministry of Justice para hingan sila ng ebidensiya sa akusasyon nila na ang mga Saksi ni Jehova ay ekstremista at namamahagi ng ekstremistang literatura. Walang naibigay na ebidensiya ang Ministry of Justice. Si Vasiliy Kalin, isang miyembro ng komiteng nangangasiwa sa Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova sa Russia, ay nagsabi sa harap ng Hukuman: “Nais kong ipaalaala sa Ministry of Justice na sa kahilingan ninyong ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova, sasaktan ninyo ang mismong mga tao na gustong mabuhay kayo nang payapa at maligaya.”

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-911-087-8009