Pumunta sa nilalaman

RUSSIA

Maikling Impormasyon—Russia

Maikling Impormasyon—Russia

Ang mga Saksi ni Jehova sa Russia ay payapa sa kanilang pagsamba matapos silang mairehistro ng Russian Federation noong 1992. Nagparehistro ulit ang mga Saksi noong 1999 sa ilalim ng Law on Freedom of Conscience and Religion Associations. Daan-daang lokal na relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova ang nakarehistro at aktibo sa buong bansa.

Pero napapaharap ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsubok na nagiging malaking banta sa kanilang kalayaan. Mula pa noong 2009, ang mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas ay nangangampanya na sa buong bansa laban sa mga Saksi sa pamamagitan ng maling pagkakapit ng Law on Counteracting Extremist Activity. Idineklara ng mga korte sa Russia ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova—pati na ang jw.org, opisyal na website ng mga Saksi—bilang ekstremista. Daan-daang bahay at dako ng pagsamba ng mga Saksi ang hinalughog ng mga pulis. Ang mga prosecutor ay nagsampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga Saksi dahil lang sa pagdalo o pagdaraos ng relihiyosong mga pagtitipon.

Sa kabila ng pagbatikos ng European Court of Human Rights at ng iba pang internasyonal na organisasyon, hindi pa rin gaanong kumikilos ang mga awtoridad sa Russia para mabawasan ang panliligalig at diskriminasyon laban sa mga Saksi ni Jehova. Unti-unting pinatitindi ng mga tagapagpatupad ng batas ang paghihigpit sa gawain ng mga Saksi ni Jehova.