Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 11, 2014
RUSSIA

Russian Federation Supreme Court, Muling Dininig ang Kaso Tungkol sa Pagbuwag sa Samara Local Religious Organization

Russian Federation Supreme Court, Muling Dininig ang Kaso Tungkol sa Pagbuwag sa Samara Local Religious Organization

Noong Nobyembre 12, 2014, iniskedyul ng Supreme Court of the Russian Federation na muling dinggin ang kaso na buwagin ang Local Religious Organization (LRO) ng mga Saksi ni Jehova sa Samara. Ang pagdinig ay nagsimula noon pang Oktubre 8, anupat napunô ng mga miyembro ng media, tagapagmasid mula sa mga embahada ng ibang bansa, abogado, at mga Saksi ang malaking silid na may-kabaitang inilaan ng Korte. Matapos ang ilang legal na proseso, ipinagpaliban ng Korte ang pagdinig.

Sinabi ni Vasiliy Kalin, kinatawan ng Administrative Center of Jehovah’s Witnesses sa Russia: “Lubos kaming umaasa na ibabalik ng iginagalang na Korte Suprema ng Russia ang katarungan sa kasong ito at itataguyod ang konstitusyonal na simulain ng demokratikong lipunan sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa sinabi ng nagsasakdal.” Umaasa pa rin ang mga Saksi ni Jehova na ipagtatanggol ng Korte ang karapatan sa kalayaan sa relihiyon na protektado ng Konstitusyon ng Russia.