Pumunta sa nilalaman

ABRIL 5, 2017
RUSSIA

Sinimulan ng Supreme Court ng Russia ang Mahalagang Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova

Sinimulan ng Supreme Court ng Russia ang Mahalagang Kaso Laban sa mga Saksi ni Jehova

NEW YORK—Sinimulan ngayon ng Supreme Court ng Russian Federation ang pagdinig sa kasong isinampa ng Ministry of Justice na humihiling na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Ipinatalastas ng Hukuman na magkakaroon ng recess, at ipagpapatuloy ang pagdinig sa Huwebes, Abril 6, 2017, alas-dos ng hapon.

Noong Marso 30, 2017, nagharap ng pagtutol ang mga Saksi laban sa kasong isinampa ng Ministry of Justice. Pero sa araw na ito, ibinasura ng Hukuman ang pagtutol bago pa nag-recess ang pagdinig. Hindi rin pinayagan ng Hukuman ang mga eksperto na tumestigo tungkol sa basehan ng kaso ng Ministry of Justice at pati ang mga nakasaksi sa paggawa ng huwad na ebidensiya laban sa mga lokal na relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova.

Sinusubaybayan ng marami ang mahalagang kasong ito, kaya laman ito ng internasyonal na balita, gaya ng isang artikulo sa magasing Time na inilabas online noong Abril 4 (“Russian Supreme Court Considers Outlawing Jehovah’s Witness Worship”) at ng isang artikulo sa unang pahina ng inimprentang edisyon ng The New York Times (“Pacifist, Christian and Threatened by Russian Ban as ‘Extremist’”) noong Abril 5.

“Umaasa kaming itataguyod ng Supreme Court ng Russia ang karapatan ng aming mga kapananampalataya sa Russia na malayang isagawa ang kanilang mapayapang pagsamba,” ang sabi ni David A. Semonian, isang tagapagsalita sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi sa New York. “Susubaybayang mabuti ng milyon-milyon sa buong daigdig kung paano uusad ang kasong ito at kung poprotektahan ng Russia ang mga mamamayan nitong Saksi ni Jehova na masunurin sa batas.”

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-812-702-2691