ABRIL 19, 2017
RUSSIA
Ika-5 Araw ng Pagdinig sa Supreme Court ng Russia: Sinuri ang Legal na mga Hamong Napaharap sa mga Saksi sa Nagdaang Dekada
NEW YORK—Noong Miyerkules, Abril 19, 2017, mga 300 tao ang naroon (ang ilan ay alas-dos pa ng umaga) para sa ikalimang araw ng pagdinig ng Supreme Court ng Russian Federation sa kahilingan ng Ministry of Justice na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova. Ang agresibong pagkilos ng mga awtoridad sa Russia laban sa mga Saksi sa nakalipas na sampung taon ay inilahad sa maikli habang sinusuri ng Hukuman ang 43 tomo ng isinumiteng mga dokumento na nauugnay sa kaso.
Sa panahon ng pagsusuri, hindi matukoy ng mga abogado ng Ministry of Justice ang legal na basehan para ipasara ang Administrative Center o ang anumang ekstremistang pagkilos ng Administrative Center o ng alinman sa mga Local Religious Organization (LRO) na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Itinawag-pansin sa Hukuman ni Yury Toporov, isa sa mga abogado ng Administrative Center, na kasama sa mga isinumiteng dokumento ang mga award at mga liham ng pasasalamat na tinanggap ng Administrative Center mula sa gobyerno, na nagpapatunay na ang Administrative Center ay kinikilala noon ng mga awtoridad dahil sa mga naitulong nito sa lipunan sa nagdaang mga taon. Itinawag-pansin na gayon din ang ginagawang pagtulong ng mga LRO sa kanilang mga komunidad. Bukod diyan, ipinakikita ng ilang tomo ng isinumiteng dokumento na iniinspeksiyon na ng Ministry of Justice ang mga LRO na ginagamit ng mga Saksi sa Russia mula pa noong 2008 pero wala silang nakitang anumang ekstremistang gawain sa mga LRO, na inamin naman ng mga abogado ng Ministry of Justice.
Inaasahang ang pagdinig ay ipagpapatuloy ng Hukuman sa Abril 20, 2017, alas-dos ng hapon.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-911-087-8009