HUNYO 1, 2015
RUSSIA
Mahalagang Desisyon sa Kaso sa Taganrog, Malapit Na
Ang muling paglilitis sa 16 na Saksi ni Jehova sa Taganrog, Russia, na nagsimula noong Pebrero 2015 ay nasa ikalimang buwan na ngayon. Posibleng mabilanggo at magbayad ng multa ang mga Saksi dahil lang sa pagsasagawa ng kanilang pananampalataya.
Nagsimula ang paglilitis sa kanila noong Mayo 13, 2013, matapos silang idemanda dahil sa paratang na ekstremistang gawain. Pinagmulta ng trial court ang pitong Saksi at apat sa kanila ang sinentensiyahan ng mahabang pagkabilanggo, pero sinuspende ito ng hukom. Noong Disyembre 12, 2014, iniutos ng appellate court na magkaroon uli ng paglilitis gaya ng hiling ng prosecutor. Inaasahan ng mga Saksi ni Jehova na sa katapusan ng Hunyo, magkakaroon ng bagong desisyon.