Pumunta sa nilalaman

Bahay ng isang brother na sinira ng malakas na pag-ulan

NOBYEMBRE 19, 2019
RWANDA

Nagkaroon ng Malakas na Pag-ulan sa Rwanda

Nagkaroon ng Malakas na Pag-ulan sa Rwanda

Nagkaroon ng malakas na pag-ulan sa northern Rwanda noong Oktubre 26 at 29, 2019, at naapektuhan nito ang ilang pamilya ng mga Saksi ni Jehova. Nakakalungkot, ang 13-anyos na anak ng isang mag-asawang Saksi sa Musanze District sa Northern Province ay tinangay ng baha at namatay.

Sa Ngororero District sa Western Province, nawasak ang bahay ng isang pamilyang Saksi at nasira ang pananim ng siyam na pamilya. Isinasaayos ng tanggapang pansangay sa Rwanda na makapagpadala ng relief sa lugar na ito at makapaglaan ng pampatibay mula sa Bibliya.

Ipinapanalangin nating aaliwin ni Jehova ang mga kapatid natin na dumaranas ng trahedyang ito.—2 Tesalonica 2:16, 17.