Pumunta sa nilalaman

Maliit na larawan sa kaliwa: Isang sister na kausap ang isang lalaki na pumunta sa booth natin. Gitna: Ang Belgrade Fair exhibition center kung saan ginanap ang International Belgrade Book Fair

DISYEMBRE 13, 2023
SERBIA

Mga Bata’t Matanda, Natutuhan ang Mabuting Balita sa International Belgrade Book Fair

Mga Bata’t Matanda, Natutuhan ang Mabuting Balita sa International Belgrade Book Fair

Ginanap ang ika-66 na International Belgrade Book Fair sa Belgrade, Serbia, mula Oktubre 21 hanggang 29, 2023. Dinaluhan ito ng mahigit 190,000. Naglagay dito ng isang information booth ang mga Saksi ni Jehova na nagpapakita kung paano makakatulong sa buhay ang Salita ng Diyos. Mahigit 100 kapatid ang nagboluntaryo para ipakita sa mga dumalaw sa booth kung paano hahanapin sa Bibliya ang sagot sa mahahalagang tanong.

Pumunta sa booth ang isang babae at nagsabi sa sister natin na marami siyang tanong tungkol sa Bibliya. Tuwang-tuwa siya dahil may nakilala na siyang tutulong sa pagsagot sa mga tanong niya. Nagplano sila na ipagpatuloy ang pag-uusap nila.

Isang kabataang lalaki naman ang nakatanggap ng isang kopya ng brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? Sinabi niya na naniniwala siya sa Diyos, pero hindi niya maintindihan ang ulat ng Bibliya tungkol sa paglalang. Halimbawa, itinuturo ba ng Bibliya na nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay sa loob ng literal na anim na araw? Natuwa siya nang ipakita sa kaniya ng mga Saksi ang isang artikulo mula sa jw.org na sumasagot sa mismong tanong na iyon.

Nagustuhan ng dalawang tin-edyer na babae ang mga aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1 at 2. Tuwang-tuwa silang malaman na mababasa doon ang mahahalagang paksa gaya ng kung paano makakahanap ng tunay na mga kaibigan, paano magiging mahusay na estudyante, at paano mo malalaman kung tunay na pag-ibig na ang nararamdaman mo. Sinabi pa ng isa sa kanila: “Ang ganda ng mga librong ’to. Talagang babasahin namin ’to!”

Nagpapasalamat tayo sa mga kapatid nating nagboluntaryo sa book fair sa Belgrade. Pagpalain sana ni Jehova ang pagsisikap nila na ‘ihayag sa mga tao ang pangalan niya.’—Hebreo 13:15.