Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 22, 2017
SIERRA LEONE

Rumaragasang Pagguho ng Lupa sa Sierra Leone

Rumaragasang Pagguho ng Lupa sa Sierra Leone

Noong umaga ng Agosto 14, 2017, ang mga tindahan, kalsada, at mga bahay sa buong Freetown, ang kabisera ng Sierra Leone, ay sinalanta ng baha at pagguho ng lupa. Mahigit 400 katao ang kumpirmadong namatay at humigit-kumulang 600 pa ang nawawala. Nangangamba ang mga opisyal na magdudulot ng higit pang malalang epekto ang patuloy na pag-ulan.

Iniulat ng tanggapang pansangay sa Sierra Leone na walang Saksi ni Jehova ang namatay o nasugatan sa sakunang ito. Pero dalawang pamilya ang lumikas. Ang mga elder doon ay nagbibigay ng nakapagpapatibay na mensahe mula sa Bibliya sa kanilang mga kapuwa Saksi. Bukod diyan, ang mga elder ay namamahagi ng mga impormasyon tungkol sa pag-iingat sakaling magpatuloy pa ang baha.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Sierra Leone: Collin Attick, +232-76-67-90-75