Pumunta sa nilalaman

HUNYO 2, 2023
SLOVAKIA

Available Na ang Aklat ng Mateo sa Wikang Romany (Eastern Slovakia)

Available Na ang Aklat ng Mateo sa Wikang Romany (Eastern Slovakia)

Noong Mayo 27, 2023, ini-release ni Brother Jaroslav Sekela, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Czech-Slovak, ang aklat na Ang Bibliya—Ang Aklat ng Mateo sa wikang Romany (Eastern Slovakia). Ini-release ang aklat na ito sa isang special meeting na ginanap sa Michalovce sa eastern Slovakia. Nakatanggap ang lahat ng dumalo ng inimprentang kopya. Naging available na rin ang aklat ng Bibliya sa digital format.

Ang Romany (Eastern Slovakia) remote translation office sa Košice, Slovakia

Ang wikang Romany ay nahahawig sa mga wikang Bengali, Hindi, at Punjabi. Maraming salita sa wikang Romany ang kinuha sa lokal na mga wika sa mga rehiyon kung saan nakatira ang mga taong Romany. Kaya may mga pagkakaiba sa wikang Romany na ginagamit sa eastern Slovakia. Pinag-isipan ito ng translation team nang isalin nila ang aklat ng Bibliya.

May iba pang translation ng Bibliya sa Romany (Eastern Slovakia), pero pinalitan nito ang pangalan ng Diyos, Jehova, ng mga salitang gaya ng o Raj at o Del, na ang ibig sabihin ay “Panginoon” o “Diyos.” Isa pa, marami rin itong ginamit na ibang mga salita, kaya mahirap maintindihan ng mga nagbabasa nito ang orihinal na kaisipan o ideya. Makikita sa bagong release na aklat ng Mateo ang pangalan ni Jehova, at nakasulat ito sa simpleng wika.

Sinabi ng isang translator na nakasama sa proyektong ito: “Pagdating sa pagta-translate ng Bibliya, napakahalagang ihatid nang tumpak ang mensahe ng Diyos para makilala at mahalin siya ng mga tao.”

Sinabi pa ng isang translator: “Dahil madalas na nakakaranas ng diskriminasyon ang mga taong Romany, talagang nakakatulong sa kanila ang Mateo 10:31. Ipinapaalala nito sa atin na napapansin ni Jehova kahit ang mga maya, na may napakaliit na halaga noong panahon ng Bibliya. Mas mahalaga tayo sa maraming maya.”

Nagtitiwala tayo na tutulungan ng translation na ito ang mga mambabasa na matuto tungkol kay Jehova, pati na sa pag-ibig at pangangalaga niya sa kanila.—1 Pedro 5:7.