AGOSTO 14, 2019
SLOVAKIA
Unang Panrehiyong Kombensiyon na Idinaos sa Wikang Romany (Silangang Slovakia)
Idinaos ng mga kapatid natin ang unang panrehiyong kombensiyon sa wikang Romany sa Slovakia noong Hulyo 20 at 21, 2019, sa Winter Stadium sa Michalovce. Ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa pinaikling programang ito ay 1,276. At 19 ang nabautismuhan.
May mga delegado mula sa apat na bansa: Belgium, Czech Republic, Great Britain, at Ukraine. Masayang pinanood ng mga dumalo ang pelikula na Ang Kuwento ni Josias: Ibigin si Jehova; Kapootan ang Kasamaan sa kanilang sariling wika.
Idinaos ang kombensiyong ito limang taon lang matapos mabuo ang unang kongregasyon sa wikang Romany sa Slovakia noong Nobyembre 2014. Ngayon, mayroon nang 9 na Romany congregation, 10 grupo, at 14 na pregroup sa teritoryo ng sangay ng Czech-Slovak.
Sinabi ni Peter Tirpak, manager ng Winter Stadium: “Napakahusay ng pagtutulungan ng mga Saksi ni Jehova. Lagi ninyong tinutupad ang sinasabi ninyo. Sana bumalik kayo rito.”
Sinabi naman ni Peter Varga, ang tagapangasiwa ng programa sa kombensiyon: “Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kombensiyon. Para sa mga kapatid nating nagsasalita ng Romany, makasaysayan ang kombensiyong ito. Pagkatapos ng pangwakas na awit, nagyakapan sila, kahit na ngayon lang sila nagkita. Marami ang napaiyak.”
Nakikisaya tayo sa 1,010 mamamahayag na nagsasalita ng Romany sa Slovakia. Ipinapakita sa mga kombensiyong ito ang tunay na pag-ibig sa gitna ng bayan ni Jehova.—Juan 13:34, 35.