Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 20, 2019
SOUTH AFRICA

Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan—Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Kwanyama

Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan—Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Kwanyama

Inilabas ng mga Saksi ni Jehova ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Kwanyama sa isang panrehiyong kombensiyon na idinaos sa Ondangwa, Namibia, noong Agosto 16, 2019. Inilabas ito ni Brother Franco Dagostini, miyembro ng Komite ng Sangay sa South Africa, sa unang araw ng kombensiyon sa Ondangwa Trade Fair Hall.

Sinabi ng isa sa mga tagapagsalin: “Sa tulong ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, mas mauunawaan ng mga tao ang mensahe ng Bibliya. Siguradong matutuwa ang mga kapatid natin na makita ang pangalan ni Jehova kung saan talaga ito dapat lumitaw.”

Sa teritoryo ng sangay sa South Africa, mga 490 mamamahayag ang nagsasalita ng Kwanyama. Nangangaral sila sa mga 1.4 milyong tao na gumagamit ng wikang ito, karamihan ay nasa Angola at Namibia.

Ang buo o ilang bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay naisalin na sa 184 na wika, kasama na ang 25 kumpletong rebisyon na batay sa 2013 edisyon sa English. Masayang-masaya tayo para sa mga kapatid dahil magagamit nila ang Bibliyang ito para maituro ang Salita ng Diyos sa wikang Kwanyama.—Gawa 2:37.