MARSO 7, 2019
SOUTH KOREA
Malaya na ang Lahat ng Nabilanggo sa South Korea Dahil sa Pagtangging Magsundalo
Noong Pebrero 28, 2019, pinalaya na ang huli sa mga nabilanggong Saksi ni Jehova sa South Korea dahil sa neutralidad. Ang lahat ng brother na pinalaya ay lubos na nagpapasalamat dahil malaya na sila ulit at naipakita nila ang katapatan nila sa Diyos na Jehova.
Lahat-lahat, 65 brother ang pinalaya mula nang ilabas ng Korte Suprema ang makasaysayang desisyon nito noong Nobyembre 1, 2018, na hindi isang krimen ang pagtangging magsundalo dahil sa pananampalataya. Winakasan ng desisyong ito ang pagbibilanggo sa mga tumatangging magsundalo, na 65 taon nang ginagawa sa Korea.
Ang katapatan ng mga kapatid nating Korean ay nag-uudyok sa atin na manatiling tapat at lalo pang maglingkod “nang walang takot” sa ating Hari at sa kaniyang Kaharian. (Filipos 1:14) Ipinapanalangin natin ang nakabilanggo pa nating mga kapatid sa Eritrea, Russia, Singapore, at Turkmenistan.—Hebreo 10:34.