SETYEMBRE 20, 2019
SOUTH KOREA
Seoul, South Korea—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Setyembre 13-15, 2019
Lokasyon: KINTEX (Korea International Exhibition Center) sa Seoul, South Korea
Wika ng Programa: Chinese Mandarin, English, Indonesian, Korean, Russian, Vietnamese
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 60,082
Bilang ng Nabautismuhan: 478
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,076
Mga Sangay na Imbitado: Brazil, Czech-Slovak, Finland, France, Greece, Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Scandinavia, United States, Vietnam
Karanasan: Sinabi ni Choi Ji-woong, CEO ng isang catering company na naghanda ng pagkain para sa mga delegado: “Sinabi ng isang tauhan namin na ipinakita ng proyektong ito sa kaniya kung gaano kabait ang mga Saksi. Humanga ako sa pag-ibig na ipinakita ng mga Saksing mula sa Korea at mula sa ibang bansa—noon lang sila nagkakilala, pero parang matagal na silang magkakaibigan na nagkitang muli. Marami na akong nasamahang religious event, pero ibang-iba ang event na ito na inihanda ng mga Saksi ni Jehova.”
Sinabi ni Ahn Seon-ju, isang manager sa Eutteum Tour Agency: “Nang makita ko kung gaano kabait ang mga Saksi ni Jehova at na palangiti sila, naisip ko na kailangan naming paalalahanan ang mga bus driver namin na maging gaya ng mga Saksi. Noong una, nagtataka ako kung bakit ang bait nila, pero nang makatrabaho ko sila, nakita kong mahal nila at nirerespeto ang isa’t isa, at ginagawa talaga nila kung ano ang itinuturo nila. Humanga ako nang malaman kong hindi pala sila binabayaran sa ginagawa nila. Napaisip ako kung paano ko rin mababago ang sarili ko habang inoobserbahan ko ang mga Saksi na nakikinig sa isa’t isa at mabait na sumasagot. Kung posible, gusto ko ulit makatrabaho ang mga Saksi ni Jehova.”
Si Kim Gyo-Shik, management director ng MBC Munhwa Broadcasting Station Dae-jang-geum Theme Park, ay nagsabi: “Napakaganda ng event na ito ng mga Saksi ni Jehova. Kahit na Katoliko ako, ipinakita ng event na ito kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging isang tunay na Kristiyano. Naobserbahan naming lahat na madaling kausap ang mga Saksi at organisado sila. Mabait sila sa iba. Nagpapaalam sila bago gamitin ang anumang bagay sa pasilidad. Hindi ako Saksi ni Jehova, pero ipinagmamalaki ko sila.”
Isang grupo ng mga kapatid na masiglang bumabati sa mga delegadong dumarating sa airport
Mga delegado, kasama ang mga kapatid na tagaroon, na nakikibahagi sa pampublikong pagpapatotoo
Mga kapatid na masayang binabati ang mga delegado sa kombensiyon
Kinukunan ng litrato ng isang delegado ang isang sister na taga-Korea kasama ang anak nito
Isang malaking grupo ng mga dumalo na nakikinig sa sesyon noong Sabado
Isang brother na ini-interpret ang mga tanong sa bautismo para sa isang brother na bulag at pipi gamit ang tactile signing
Tatlong sister na nakikinig nang mabuti at nagsusulat ng nota habang nasa kombensiyon
Si Brother Stephen Lett, sa huling pahayag noong Sabado
Aerial shot ng anim na baptismal pool noong hapon ng Sabado
Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod mula sa ibang bansa na kumakaway sa mga dumalo sa katapusan ng programa noong Linggo
Isang grupo ng mga dumalo, suot ang kanilang tradisyonal na damit, habang nagpapa-picture
Sa open house ng Korea Bethel, tinitingnan ng mga delegado ang photo collage ng mga kapatid sa Korea na nanatiling tapat
Mga delegado na nagpapa-picture kasama ang mga kapatid na tagaroon sa isang tour
Isang grupo ng mga sister na nagpe-perform ng tradisyonal na sayaw na tinatawag na buchaechum