ENERO 15, 2013
SOUTH KOREA
South Korea: Pasiya ng UN Human Rights Committee
Ipinasiya ng United Nations Human Rights Committee noong Oktubre 25, 2012, na dapat bigyan ng South Korea ng sapat na kabayaran ang 388 Saksi ni Jehova dahil nilabag ng South Korea ang kanilang karapatan na tumangging maglingkod sa militar udyok ng budhi. Dapat ding burahin ng South Korea ang criminal record ng mga ito. Sinusuportahan ng pasiyang ito ang isang katulad na desisyon noong Marso 24, 2011, na pabor sa 100 Saksi sa Korea na nabilanggo rin dahil sa pagtangging maglingkod sa militar udyok ng budhi. Sinabi ng tagapagsalitang si Dae-il Hong: “Mapakilos sana ng mga pasiyang ito ang South Korea na palayain ang 733 kabataang Saksing Koreano na nakabilanggo sa ngayon.”
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Republic of Korea: Dae-il Hong, tel. +82 10 3951 0835