ABRIL 25, 2019
SOUTH KOREA
Sunog sa Kagubatan sa Silangang Baybayin ng South Korea
Noong Abril 4, 2019, isang malaking sunog ang sumiklab sa kahabaan ng silangang baybayin ng South Korea sa Gangwon Province. Mabilis na kumalat ang apoy kung kaya nagdeklara ang gobyerno ng national emergency. Bago nakontrol ang sunog, mahigit 1,600 ektarya ang natupok ng apoy at dalawa ang namatay.
Iniulat ng sangay na walang nasaktan sa ating mga kapatid doon. Pero walong bahay ang nasira, at 27 kapatid natin ang naapektuhan. Sa pangangasiwa ng sangay, ang Disaster Relief Committee at ang tagapangasiwa ng sirkito roon ay nakikipagtulungan sa mga elder ng kongregasyon para mabigyan ng espirituwal at praktikal na tulong ang mga naapektuhan ng sakuna.
Nakakatiyak tayong si Jehova ay magiging “kanlungan at lakas” ng ating mga kapatid, at “handa siyang tumulong kapag may mga problema.”—Awit 46:1.