Pumunta sa nilalaman

Mga kapatid na tumulong sa renovation sa Korea Bethel

AGOSTO 7, 2023
SOUTH KOREA

Tapos Na ang Renovation sa Korea Bethel

Nakatulong ang Isang-Taóng Project Para Makapag-volunteer sa Ibang Bansa

Tapos Na ang Renovation sa Korea Bethel

Natapos noong Abril 30, 2023 ang renovation ng 30-taóng gusali ng sangay sa Korea. Ni-renovate ang Bethel dining room pati na ang 62 residence room para makatipid sa paggamit ng enerhiya at gawing mas ligtas at komportable ang pamilyang Bethel. Sa mahigit 170 volunteer, 71 ang hindi pa nakapagtrabaho sa isang construction project ng ating organisasyon. Pagkatapos ng pagsasanay at renovation sa Korea Bethel, mahigit 40 volunteer ang naatasang tumulong sa mga construction project sa ibang bansa.

Mga sister na tumulong sa iba’t ibang atas noong renovation

Si Sister Kim Ha-yeon

Sinabi ni Sister Kim Ha-yeon: “Mabuti na lang at napakaorganisado ng pagsasanay sa amin sa renovation sa sangay sa Korea. Masaya akong gamitin ang mga natutuhan ko sa construction project sa Indonesia.”

Si Brother Lee Myong-Hoon

Sinabi naman ni Brother Lee Myong-Hoon, na nakasama sa renovation sa sangay sa Korea: “Natuto ako ng mga kasanayan noong nag-volunteer ako sa Korea. Mahirap ang atas ko, pero naging mas madali ito sa tulong ng training at mga safety guideline ng organisasyon.” Tumutulong ngayon si Brother Lee sa isang construction project sa Pilipinas.

Isang na-renovate na kuwarto sa Korea Bethel

Masaya tayo na natapos na ang renovation sa sangay sa Korea. Kapag iniisip natin ang mga pagsisikap ng lahat ng volunteer sa mga renovation project, pati na ang mga naglilingkod sa ibang atas, nagpapasalamat tayo sa ‘mga bagay na ginawa nila dahil sa kanilang pananampalataya at pag-ibig.’—1 Tesalonica 1:3.