Pumunta sa nilalaman

HUNYO 28, 2018
SOUTH KOREA

Makasaysayang Desisyon ng Constitutional Court ng Korea: Idineklarang Labag sa Konstitusyon ang Hindi Paglalaan ng Alternatibong Serbisyo

Makasaysayang Desisyon ng Constitutional Court ng Korea: Idineklarang Labag sa Konstitusyon ang Hindi Paglalaan ng Alternatibong Serbisyo

Noong Hunyo 28, 2018, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng South Korea, idineklara ng Constitutional Court na labag sa konstitusyon ang isang seksiyon ng Military Service Act (MSA) ng Korea, dahil hindi ito naglalaan ng alternatibong serbisyo para sa mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi. Napakahalaga ng desisyong ito dahil ito ang babago sa 65-taóng patakaran ng pagbibilanggo sa mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi na nasa ilalim ng MSA.

Mula noong 1953, mahigit nang 19,300 kapatid natin ang nabilanggo, at umabot sa mahigit 36,700 taon ang naging sentensiya sa kanila kung pagsasama-samahin. Ang desisyon ng Constitutional Court ay nagbigay-daan sa Supreme Court ng Korea na sundin ang desisyong ito sa espesipikong mga kaso na kinasasangkutan ng mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi. Bukod diyan, obligado na ngayon ang mga mambabatas sa Korea na gumawa ng probisyon tungkol sa alternatibong serbisyo para sa mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi hanggang Disyembre 31, 2019.

Masayang-masaya tayo dahil magwawakas na ang maraming taon ng kawalang-katarungang dinanas ng mga kapatid natin sa Korea.—Kawikaan 15:30.