Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 1, 2018
SOUTH KOREA

Makasaysayang Desisyon ng Supreme Court sa South Korea

Makasaysayang Desisyon ng Supreme Court sa South Korea

Noong Huwebes, Nobyembre 1, 2018, nagdesisyon ang Supreme Court ng South Korea na hindi isang krimen ang pagtangging magsundalo dahil sa budhi. Siyam sa mga hukom ang bumoto pabor sa desisyong ito, at apat naman ang hindi. Ang relihiyosong paniniwala ay itinuturing na ngayong “makatuwirang dahilan” para huwag sumali sa militar. Ang mahalagang desisyong ito ng kataas-taasang hukuman ng South Korea ay magsisilbing basehan para mapawalang-sala ang mahigit 900 pang brother na nakabinbin ang kaso sa lahat ng antas ng hukuman sa Korea.

Sa pasimula ng 2018, nagdesisyon ang Constitutional Court ng Korea na simula Disyembre 2019, dapat bigyan ng alternatibong paglilingkod ang mga tumatangging magsundalo dahil sa budhi.

Natutuwa tayo at pinupuri natin si Jehova sa makasaysayang desisyong ito.