Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 30, 2018
SOUTH KOREA

Dinirinig ng Supreme Court ng South Korea ang mga Argumento Tungkol sa mga Tumatangging Magsundalo Dahil sa Budhi

Dinirinig ng Supreme Court ng South Korea ang mga Argumento Tungkol sa mga Tumatangging Magsundalo Dahil sa Budhi

Noong Huwebes, Agosto 30, 2018, ang Supreme Court ng South Korea na binubuo ng 13 hukom ay nagdaos ng pampublikong paglilitis tungkol sa kaso ng tatlong Saksi ni Jehova na tumatangging magsundalo dahil sa budhi. Apat na oras na pinagtatanong ng 13 hukom ang mga abogado ng mga Saksi at ang iba pa na nagpapakitang marami ang hindi sang-ayon at may ibang opinyon tungkol sa usaping ito. Matagal na tinalakay ng mga hukom ang napakahalagang desisyon ng Constitutional Court noong Hunyo 28, 2018, na nag-uutos sa batasan ng Korea na ipatupad ang alternatibong paglilingkod para sa tunay na mga tumatangging magsundalo dahil sa budhi sa halip na ikulong sila bilang mga kriminal. Hiniling ng mga abogado sa Korte na ipahayag na walang sala ang tatlo nating brother, na magiging parisan para sa pagpapasiya ng mga mababang hukuman sa mahigit 900 katulad na mga kasong nakabinbin. Ang Supreme Court na ngayon ang magpapasiya kung kailan at ano ang magiging desisyon nito sa kaso ng tatlong Saksi ni Jehova.

Taglay ang buong pagtitiwala, kami kasama ang mahigit 100 tapat nating mga brother na nakakulong pa ay patuloy na matiyagang maghihintay sa Diyos ng ating kaligtasan.—Mikas 7:7.