HULYO 26, 2019
SPAIN
Madrid, Spain—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hulyo 19-21, 2019
Lokasyon: Wanda Metropolitano Stadium sa Madrid, Spain
Wika ng Programa: English, Spanish, Spanish Sign Language
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 52,516
Bilang ng Nabautismuhan: 434
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,300
Mga Sangay na Imbitado: Albania, Argentina, Bulgaria, Canada, Central America, Dominican Republic, Ghana, Hungary, Korea, Netherlands, Peru, Slovenia, Taiwan, Turkey, United States
Karanasan: Sinabi ni César López, direktor ng isa sa mga hotel na tinuluyan ng mga delegado: “Isa itong kamangha-manghang karanasan. Hangang-hanga ang staff namin sa mga delegadong dumalo sa event na ito—ang mga ngiti nila, kabaitan, at pagiging palakaibigan. Sa palagay ko, alam na ng mga delegado ang mensahe n’yo [“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”] bago pa man sila magpunta dito. Ipinakita iyan ng lahat ng tumuloy sa hotel namin. Sana makabalik pa kayo ulit dito.”
Mainit na tinanggap ng mga kapatid ang mga delegado na dumarating sa Adolfo Suárez Madrid-Barajas Airport
Isang sister kasama ang isang delegado habang nangangaral sa Madrid gamit ang imbitasyon sa kombensiyon
Mga delegado na papunta sa lugar ng kombensiyon para sa pang-umagang sesyon
Mga delegadong nakangiti habang kumakaway sa pagtatapos ng programa sa Biyernes
Dalawang kabataang Saksi sa isang venue na naka-tie in; hawak nila ang elektronikong kopya ng kanilang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Spanish. Inilabas ang Bibliya noong araw ng Biyernes sa Madrid at sa 11 pang lugar sa Spain
Isa sa 434 na bagong bautisadong kapatid, at nakangiti siya matapos siyang bautismuhan
Kumakaway ang mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod sa huling araw ng kombensiyon
Mga kapatid na nagpapalakpakan habang kombensiyon
Binabati ni Brother Gerrit Lösch, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang isang nasa pantanging buong-panahong paglilingkod pagkatapos ng kombensiyon
Mga sister na nakasuot ng makukulay na damit at sumasayaw ng tradisyonal na Spanish dance sa isang evening gathering