Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 6, 2019
SPAIN

Pagbaha na Sumalanta sa Eastern Spain

Pagbaha na Sumalanta sa Eastern Spain

Marami ang naapektuhan dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa eastern Spain noong mga buwan ng Setyembre at Oktubre 2019. Ang pinakamalala rito ay noong Oktubre 23 sa lalawigan ng Tarragona. Dahil sa matinding ulan, lumakas ang pagragasa ng tubig sa Francolí River. Nakalulungkot, lima ang namatay sa pagbahang ito. Dalawa rito ay mga kapatid natin na tinangay ang sasakyan habang tumatawid sa tulay pauwi galing sa pulong.

Pinapatibay ng mga elder ang nagdadalamhating kongregasyon dahil sa pagkamatay ng dalawang kapatid. Bumisita sa kongregasyon ang isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Spain para makapagbigay ng karagdagang pampatibay.

Ipinapanalangin nating patuloy na papatibayin ni Jehova ang mga kapatid natin sa mahirap na panahong ito.—2 Corinto 1:3, 4.