Pumunta sa nilalaman

Isang bagong ni-renovate na gusali ang idinagdag sa sangay sa Spain para tuluyan ng mga boluntaryong magtatrabaho sa Translation Department

SETYEMBRE 19, 2022
SPAIN

Tulong sa Gawaing Pagsasalin ang Renovation ng mga Pasilidad ng Sangay sa Spain

Tulong sa Gawaing Pagsasalin ang Renovation ng mga Pasilidad ng Sangay sa Spain

Natapos na kamakailan ang renovation ng isa sa mga office building ng sangay sa Spain. Ang gusali ay pangunahin nang gagamitin ng Translation Department. Ang renovation na ito ay bahagi ng mas malaking renovation ng sangay na matatapos sa 2025.

Mayroon na ring library ngayon ang pasilidad na makapaglalaman ng hanggang 4,000 reperensiyang aklat sa pagsasalin. May mga aklat din na hindi makukuha sa elektronikong format.

Sinabi ni Brother John Bursnall, miyembro ng Komite ng Sangay: “Malaki ang ipinagbago ng gawain sa Spain sa nakalipas na 25 taon. Hindi lang ito sangay para sa paglilimbag at bodega, dito na rin ginagawa ang pagsasalin sa wikang Kastila at Spanish Sign Language, pati ang braille transcription sa maraming wika sa Europe. Kaya kailangan namin ng karagdagang lugar para sa opisina. Dahil sa renovation, mas masusuportahan namin ang ating pambuong daigdig na kapatiran.”

Nagsimula na ang renovation sa apat na residence building. Mga 200 boluntaryo sa construction ang kakailanganin sa gawain. Pitumpung temporary mobile homes ang kasalukuyang idinadagdag sa property ng sangay na titirhan ng mga manggagawa sa panahon ng proyekto.

Mga mobile home sa sangay sa Spain na tuluyan ng mga magboboluntaryo sa susunod na bahagi ng renovation

Patuloy ang pagsulong sa Spain. Sa kasalukuyan, mayroon nang 120,530 mamamahayag sa bansa. Dahil sa 23,565 na ang regular pioneer ngayon sa Spain, nagkaroon ng walong sunod-sunod na peak sa bilang ng mga nasa buong panahong paglilingkod nitong nakaraang taon.

Alam natin na susuportahan ni Jehova ang proyektong ito para maisagawa ng mga pasilidad na ito ang layunin nito na parangalan ang banal na pangalan ni Jehova.—Awit 61:8.