Pumunta sa nilalaman

MAYO 12, 2023
SUDAN

Patuloy ang Matinding Labanan sa Sudan

Patuloy ang Matinding Labanan sa Sudan

Nagsimula ang labanan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa Khartoum, kabisera ng Sudan, noong Abril 15, 2023. Ayon sa balita, mahigit 600 ang namatay at mga 5,000 pa ang nasugatan dahil sa labanan.

Epekto sa mga Kapatid

  • Pagkatapos lumikas mula sa labanan sa Khartoum, ligtas na nagsama-sama ang mga kapatid sa Wad Madani, Sudan, para magpatibayan

    Walang kapatid na nasugatan o namatay

  • Di-bababa sa 318 Saksi ang lumikas. Ang ilan ay ligtas na nakalikas sa kalapít na mga bansa

  • 8 adulto at 5 bata ang pansamantalang hindi nakaalis sa kanilang pinagtatrabahuhan at paaralan. Nakauwi na sila ngayon sa mga pamilya nila.

Relief Work

  • Pinapatibay ng lokal na mga elder ang naapektuhang mga kapatid

  • May inatasang mga Disaster Relief Committee sa Sudan at sa kalapít na mga bansa para manguna sa relief work at magbigay ng praktikal na tulong

Patuloy nating ipapanalangin ang mga kapatid na naapektuhan ng karahasan habang umaasa tayo sa hinaharap kung kailan “mamamayani ang kapayapaan.”—Awit 72:7.