Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 9, 2018
TAIWAN

Lindol sa Taiwan

Lindol sa Taiwan

Noong gabi ng Martes, Pebrero 6, lumindol malapit sa silangang baybayin ng Taiwan, at may magnitude ito na 6.4. Ayon sa mga report, di-bababa sa 6 ang kumpirmadong patay at mahigit 250 ang nasaktan. May 76 ding nawawala.

Walang namatay o nasaktang kapatid dahil sa lindol. Pero sa Hualien, na isa sa pinakaapektadong lugar, nasira ang isang gusali na ginagamit bilang Kingdom Hall at remote translation office ng Amis (isang katutubong wika sa Taiwan). Nawasak din ang isang apartment na tinitirhan ng ilang tagapagsalin kaya kinailangan nilang lumikas. Nagsaayos agad ang mga kapatid doon ng pansamantalang tuluyan ng mga apektado. Tumutulong din ang sangay sa Taiwan para mailaan ang iba pang kailangan.

Dalangin namin ang kapayapaan ng isip para sa mga apektadong kapatid sa panahong ito ng trahedya, at sana’y maging “taguang dako sa hangin” ang mga kapatid na pinagkatiwalaang mangalaga sa kanila.—Isaias 32:2.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Taiwan: Chen Yongdian, +886-3-477-7999