Pumunta sa nilalaman

MARSO 21, 2023
TOGO

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Kabiye

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Kabiye

Noong Marso 12, 2023, ipinatalastas ni Brother Wilfrid Sohinto, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Benin, ang pag-release ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Kabiye. Nangyari ito sa isang live na programa sa Kara, Togo, na dinaluhan ng 2,959 na tao. a Pagkatapos i-release ang Bibliya, binigyan ng inimprentang kopya ng Bibliya ang mga dumalo at naging available na rin ito sa digital format.

Nakatira sa hilagang Togo ang karamihan sa mga nagsasalita ng Kabiye. Ginagamit din ito sa Benin at Ghana. Mga isang milyong tao ang nagsasalita nito.

Ang Kabiye remote translation office sa Kara, Togo

May ibang mga Bibliya sa wikang Kabiye, pero ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ang unang Bibliya na laging gumagamit sa pangalan ng Diyos kung saan ito orihinal na makikita. Ginagamit din ng ibang Bibliya ang pangalan ng Diyos, pero mababasa lang ito sa Exodo 3:15.

Ganito ang sinabi ng isang translator nang i-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan: “Maliwanag na sinusuportahan ni Jehova ang gawaing pagsasalin para magkaroon kami ng Bibliyang ito. Magagamit namin ito sa pangangaral, at napakagandang gamitin nito sa mga pulong.”

Masaya tayo para sa mga kapatid natin na nagsasalita ng Kabiye dahil tutulong sa kanila ang napakagandang regalong ito na “purihin ang pangalan ni Jehova.”—Awit 135:1.

a Ang Komite ng Sangay sa Benin ang nangangasiwa sa gawaing pangangaral sa Togo.