DISYEMBRE 2, 2019
TOGO
Matinding Pagbaha sa Togo
Dahil sa malakas at matagal na pag-ulan sa Togo noong tag-ulan ng 2019, binaha ang ilang bahagi ng lunsod ng Lomé. Naapektuhan ang 257 mamamahayag mula sa pitong kongregasyon. Inoorganisa na ang pamamahagi ng relief.
May mga lugar na tumaas nang isang metro ang tubig sa loob ng mga gusali, kaya napilitang lumikas ang 51 kapatid natin. Pinatuloy sila ng mga kapatid na nakatira sa malapit.
Pinarumi ng tubig-baha ang ilang pinagkukunan ng tubig sa lugar. Isinaayos ng Komite ng Sangay sa Benin, nangangasiwa sa gawain sa Togo, ang pamamahagi ng relief sa tulong ng tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon. Kasama sa mga ipinapamahagi ang mga water purification tablet, disinfectant, at bleach.
Ipinapanalangin nating pagpalain ni Jehova ang mga kapatid natin sa Togo na nagpapakita ng mapagsakripisyong pag-ibig sa isa’t isa.—Juan 13:34, 35.