Pumunta sa nilalaman

Sumabog ang isang bulkan sa ilalim ng tubig malapit sa Tonga, at nabalot ng abo ang isla. Nagdulot ng malaking pinsala ang tsunami

ENERO 26, 2022
TONGA

Tonga, Pininsala ng Pagsabog ng Bulkan at Tsunami

Tonga, Pininsala ng Pagsabog ng Bulkan at Tsunami

Noong Enero 15, 2022, matapos sumabog ang bulkan sa ilalim ng tubig sa Pacific Ocean, tumama ang isang mapaminsalang tsunami sa mga isla ng Tonga. Dama ang epekto nito hanggang sa South America at Japan. Umulan ng abo sa mga isla at dahil sa tsunami, binaha ang maraming lugar. Malaki ang naging pinsala nito sa komunikasyon sa Tonga.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang nasaktan o napinsala sa ating mga kapatid

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee ang inatasan

  • Tinulungan ng mga brother ang naapektuhang mga kapatid na alisin ang mga abo sa kanilang bubong dahil ito ang ginagamit nila sa pag-iipon ng tubig na maiinom.

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19

Agad na bumalik ang mga brother sa kanilang espirituwal na gawain at regular na nagsagawa ng mga pulong. Alam natin na si Jehova ay patuloy na ‘tutulong at aaliw’ sa ating mga kapatid na naapektuhan ng sakuna.​—Awit 86:17.