PEBRERO 3, 2021
TURKMENISTAN
Brother Gendjiyev, Sinentensiyahan ng Dalawang-Taóng Pagkabilanggo Dahil sa Pagiging Neutral
Hatol
Noong Enero 19, 2021, sinentensiyahan ng isang korte sa Turkmenistan si Brother Veniamin Gendjiyev ng dalawang-taóng pagkabilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya.
Profile
Veniamin Gendjiyev
Ipinanganak: 2000 (Seydi)
Maikling Impormasyon: Lumaki sa pamilyang Saksi. Naging publisher sa edad na 15. Nabautismuhan sa edad na 19. Kilaláng mahinahon at masarap kausap
Marunong magmekaniko. Mahilig maggitara. Pinagtawanan ng mga kaklase dahil sa paniniwala niya. Natutong ipagtanggol ang mga paniniwala niya sa Bibliya
Kaso
Noong Hulyo 2018, sinentensiyahan si Veniamin ng isang-taóng pagkabilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya. Pinalaya siya noong Hunyo 25, 2019.
Noong Disyembre 25, 2020, ipinatawag siya sa prosecutor’s office ng Dyanev District. Ipinasulat sa kaniya kung bakit tumatanggi siyang magsundalo. Noong Disyembre 30, 2020, sinabi sa kaniya ng prosecutor’s office na may pangalawang kasong kriminal na isinampa sa kaniya. Kinuha nila ang passport niya.
Tungkol sa unang pagkakabilanggo niya, sinabi ni Veniamin: “Damang-dama ko ang tulong ni Jehova. Pinalakas niya ako at pinatibay ang pananampalataya ko. Nananalangin ako kay Jehova at ipinapangaral ko sa mga kasama kong bilanggo ang mabuting balita, kaya napaglabanan ko ang lungkot.
“Noong nasa bilangguan ako, ipinaparating ng mga magulang ko ang pangungumusta ng mga hindi makadalaw sa akin. Nakatulong ito sa akin para makapagtiis hanggang sa makalaya ako.”
Ang isang teksto na nakapagpalakas kay Veniamin ay ang Isaias 54:17 na nagsasabi: “Anumang sandata ang gawin para ipanlaban sa iyo ay hindi magtatagumpay.” Ang ganitong mga teksto at ang mga panalangin natin ay makakatulong sa kaniya na malampasan ang hamong ito sa pananampalataya niya.