Pumunta sa nilalaman

ENERO 13, 2021
TURKMENISTAN

Korte ng Militar sa Turkmenistan, Sinentensiyahan si Brother Ruslan Artykmyradov ng Dalawang-Taóng Pagkabilanggo

Korte ng Militar sa Turkmenistan, Sinentensiyahan si Brother Ruslan Artykmyradov ng Dalawang-Taóng Pagkabilanggo

Noong Enero 11, 2021, hinatulan ng korte ng militar sa Turkmenistan si Brother Ruslan Artykmyradov ng dalawang-taóng pagkabilanggo. Ito ang ikalawa niyang pagkabilanggo dahil sa kaniyang neutralidad.

Pagkatapos na maibaba ang hatol, panatag si Ruslan at nakangiti. Habang dinadala ng mga awtoridad, sinipi niya ang mga salita ni Jesus sa Mateo 24:13: “Ang makapagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas.”

Napapatibay tayo ng pananampalataya ng mga kabataang brother sa Turkmenistan. Tinutularan nila si Jesus, na nakapagtiis “dahil sa kagalakang inilagay sa harap niya.”—Hebreo 12:2.