Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 10, 2016
TURKMENISTAN

Hindi Binigyan ng Amnestiya ang mga Saksing Bilanggo sa Turkmenistan

Hindi Binigyan ng Amnestiya ang mga Saksing Bilanggo sa Turkmenistan

Noong Oktubre 25, 2016, nagbigay ang presidente ng Turkmenistan ng amnestiya sa mahigit 1,500 bilanggo. Pero hindi isinama sa binigyan ng amnestiya sina Bahram Hemdemov at Mansur Masharipov, dalawang Saksi ni Jehova na nakabilanggo sa LB-E/12 prison colony sa Seydi.

Nakakulong na si Mr. Hemdemov mula pa noong Marso 2015 dahil lang sa pagdaraos ng isang mapayapang relihiyosong pagpupulong sa kaniyang bahay sa Turkmenabad. Sinentensiyahan siya ng isang korte sa Turkmenistan ng apat na taon sa bilangguan dahil sa diumano’y ilegal na relihiyosong gawain. Si Mr. Masharipov naman, na inaresto sa Ashgabad noong Hunyo 2016 dahil sa gawa-gawang paratang, ay sinentensiyahan ng isang taon sa bilangguan. Nalulungkot ang kanilang mga pamilya at ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo dahil hindi pinalaya ang dalawang lalaking ito, pero umaasa sila na palalayain ang mga ito sa susunod na pagbibigay ng amnestiya.