MARSO 3, 2022
UKRAINE
Kitang-kita ang Pag-ibig ng mga Kapatid sa Nangyayaring Krisis sa Ukraine
Noong Pebrero 24, 2022, inatake ng Russia ang Ukraine. May mahigit 129,000 Saksi ni Jehova sa Ukraine, kasama na ang mga anak nila. Para makapaglaan ng tulong sa mga kapatid natin, nag-organisa ang tanggapang pansangay doon ng 27 Disaster Relief Committee (DRC). Bukod diyan, ipinakita rin ng mga kapatid ang kanilang pag-ibig Kristiyano. Naglaan sila ng praktikal at emosyonal na tulong sa isa’t isa at sa kapuwa nila sa panahong ito ng krisis.
Karamihan sa mga kapatid natin ay nanatili sa Ukraine, pero nagdesisyon ang ilan na umalis doon. Kaya lang, naipit sila sa mahabang pila, na umabot pa nga ng 30 kilometro, at naghintay ng 3 hanggang 4 na araw bago nakarating sa customs. May mga kapatid na hinanap sila sa pila para magbigay ng makakain, maiinom, at praktikal na mga tulong. Nang makatawid na sila sa mga border, sinalubong sila ng mga kapatid na may dalang sign na jw.org. Handa ang mga kapatid na ito na tulungan sila.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, noong Marso 1, 2022, 1 brother na bingi mula sa Kharkiv ang namatay at malubhang nasugatan ang asawa niya dahil sa pambobomba
3 sister pa ang nasugatan
Mahigit 5,000 kapatid ang umalis sa bahay nila
2 bahay ang nawasak
3 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
35 bahay ang bahagyang nasira
2 Kingdom Hall ang nasira
Maraming kapatid ang nawalan ng kuryente, tubig, heating, at serbisyo ng telepono
Relief Work
27 DRC ang inorganisa sa Ukraine
867 kapatid ang natulungan ng mga DRC na makahanap ng matutuluyan sa mga ligtas na lugar
Naglaan ang DRC ng mga pangangailangan gaya ng pagkain at tubig
Inisyal na mga report ang nasa itaas.
Ipinapanalangin natin na patuloy na magkaroon ng karunungan at unawa ang mga kapatid natin para makayanan nila ang mga epekto ng kalagayang ito habang nagpapakita sila ng pag-ibig na pangkapatid.—Kawikaan 9:10; 1 Tesalonica 4:9.