Pumunta sa nilalaman

Kanan: Ilan sa mga brother na regular na nagbibiyahe sa mga lugar na matindi ang labanan sa Ukraine para maghatid ng relief at iligtas ang mga gustong lumikas. Itaas sa kaliwa: Iniligtas ng mga brother ang isang pamilyang Saksi na nakaligtas sa bahay na ito nang mawasak ito dahil sa pagsabog

ABRIL 27, 2022
UKRAINE

Mga Brother, Lakas-Loob na Naghatid ng Panustos at Nagligtas ng Iba Pa sa Ukraine

Mga Brother, Lakas-Loob na Naghatid ng Panustos at Nagligtas ng Iba Pa sa Ukraine

Libo-libong Saksi ang nasa mga lugar pa ng bansa kung saan nagaganap ang matinding labanan mula noong Pebrero 24, 2002. Isang grupo ng 21 brother mula sa mga lunsod ng Kremenchuk at Poltava sa Ukraine ang nagpakita ng pag-ibig sa kanilang mga kapatid. Handa silang sumuong kung saan may matinding labanan para lang mailigtas ang kanilang kapuwa mga mananamba at mamahagi ng relief.

Naka-80 biyahe ang mga brother sa loob ng anim na linggo—50,000 kilometro kung saan matindi ang labanan gaya sa Kharkiv, at nailigtas ang halos 400 kapatid.

Isang grupo ng mga Saksi at mga kabataan na nailigtas mula sa Kharkiv

Nakapaghatid na sila ng 23 toneladang pagkain, gayundin ng gamot, gasolina, at iba pang suplay. Bago simulan ang bawat biyahe, maingat na inihahanda ng mga brother ang pinakaligtas na mga ruta, at sinisikap nilang iwasan ang mga lugar kung saan matindi ang labanan. Ang isang biyahe ay maaaring tumagal nang 19 na oras dahil kailangang huminto ng mga brother sa mga checkpoint kung saan hinahalughog ang kanilang mga sasakyan.

Habang naglalakbay, naririnig nila ang lumilipad na mga warplane. Marami silang nakitang mga gusali na binomba at ang mga wasak na tangke at kotse. Kung minsan, ramdam ng mga brother ang pagyanig ng lupa sa pagsabog ng mga bomba.

Noong Abril 2, 2022, habang naghahanda si Roman ng ihahatid na mga suplay sa mga kapatid sa Kharkiv, nagbagsakan ang napakaraming missile sa mga kalye. Nagtago siya sa isang kalapít na gusali. Pagkalipas ng 30 minuto, nakita niyang binomba ang kalsadang daraanan sana niya.

Ganito ang paglalahad ni Volodymyr, isa sa mga boluntaryong driver, tungkol sa sinuong nilang panganib: “Madalas kaming humingi kay Jehova sa panalangin ng karunungan para makagawa ng matatalinong desisyon.”

Sina Oleksandr at ang asawa niyang si Valentyna, ay nakatira sa Kharkiv kasama ang matatanda nang magulang ni Oleksandr. Sa kasagsagan ng labanan, nasaksihan nila ang pagsabog ng mga bomba mga 100 metro mula sa bintana ng kanilang bahay. Wala silang kotse, kaya hindi sila makatakas.

Pagkatapos, dumating ang mga brother at iniligtas sila. “Nanalangin kami kay Jehova, at pinasalamatan siya dahil tinulungan kami ng mga brother,” ang sabi ni Oleksandr.

Si Vasyl, ang asawa niyang si Natalia, at ang tatlong anak nila ay nagtago nang ilang araw sa basement ng kanilang bahay. Noong Pebrero 29, 2022, sumabog ang isang bomba malapit sa bahay nila habang nagtatago sila. Nawasak ang bahay nila sa tindi ng pagsabog. Natatandaan pa ni Vasyl ang nakabibinging pagsabog at namatay ang lahat ng ilaw sa basement.

Sina Vasyl at Natalia, kasama ang kanilang mga anak sa basement ng kanilang bahay bago ito mawasak

Nang bahagyang tumigil ang labanan, lumipat ang pamilya sa ibang basement sa kalapít na gusali. Noong Marso 3, 2022, natagpuan sila ng mga brother ang pamilya at inilikas sa mas ligtas na lugar sa bansa.

Inilarawan ni Vasyl ang naramdaman niya nang mailigtas ang pamilya niya at nang makarating na sila sa mas ligtas na lugar: “Talagang nagpapasalamat kami kay Jehova. Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkalipas ng pakiramdam namin ay ilang linggo, payapa kaming nakakain kami ng hapunan, na hindi nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng aming mga anak.”

Sinabi ni Oleksandr, isa sa mga driver, na ang rescue mission ay patunay ng pagkakaisa sa gitna ng bayan ni Jehova. Sabi niya: “Nakatulong ito sa akin na ma-realize kung paano pinangangalagaan ni Jehova ang kaniyang bayan,” ang sabi niya. “Napakasaya ko kapag nakikita ko ang pasasalamat sa mga mukha ng aking mga kapatid.”

Nagpapasalamat tayo sa ating mga kapatid na malalakas ang loob, at ipinapanalangin natin na pagpalain ni Jehova ang kanilang mapagsakripisyong saloobin.—Roma 12:10.