Pumunta sa nilalaman

Namatay si Brother Mykola Bozhedomov nang bombahin ang istasyon ng tren sa Kramatorsk, na nasa Donetsk Region ng Ukraine.

MAYO 4, 2022
UKRAINE

Pinakilos ng Pag-ibig

“Iyon Sana ang Huling Biyahe Niya”

Pinakilos ng Pag-ibig

Nang tumindi ang labanan sa Donetsk Region ng Ukraine, nakailang biyahe si Brother Mykola Bozhedomov pabalik sa Kramatorsk para tulungang makatakas ang marami.

Sina Mykola at Nina Bozhedomov

Pero noong Abril 8, 2022, namatay si Mykola nang bombahin ang istasyon ng tren sa Kramatorsk, Donetsk Region.

Bukod sa 58-anyos na si Mykola, isang sister ang namatay kasama ng mahigit 50 namatay. Isang brother din sa mahigit 100 tao ang nasugatan. Ayon sa mga kapuwa Saksi na nakaligtas, nagkaroon ng dalawang nakakabinging pagsabog, na sinundan ng umuulan na mga piraso ng metal.

Sinabi ni Nina, ang asawa ni Mykola sa loob ng 32 taon: “Laging inuuna ng asawa ko ang kapakanan ng iba. Gustong-gusto niyang tulungan ang mga Saksi na may-edad at may sakit. Pero sa tuwing bibiyahe siyang pabalik sa Kramatorsk, lalo nagiging delikado ang sitwasyon. Iyo sana ang huling biyahe niya.”

Silang mag-asawa ay sabay na nabautismuhan noong 1997. Si Mykola ay isang tapat na elder sa loob ng maraming taon. Ibinubuhos ng mga kapatid ang pag-ibig at suporta nila kay Nina. Sinabi niya, “Nakatulong sa akin ang kanilang mga pananalita sa mahirap na panahong ito.”

Sinabi rin ni Nina na nakatulong sa kaniya ang Bibliya, lalo na ang nakaaaliw na sinasabi nito sa Isaias 40:28-31. “Tinutulungan ako ni Jehova na muling lumakas,” sabi ni Nina. “Damang-dama ko na mahal na mahal ako ni Jehova. Dati, nababasa ko lang ang gayong pag-ibig sa ating mga publikasyon, pero ngayon, nararanasan ko mismo ito.”

Isinasama natin sa ating mga panalangin si Nina at lahat ng namatayan ng mahal sa buhay sa digmaan. Alam natin na patuloy silang aalalayan ni Jehova.—Awit 20:2.