MARSO 8, 2022
UKRAINE
UPDATE #1 | Kitang-kita ang Pag-ibig ng mga Kapatid sa Nangyayaring Krisis sa Ukraine
Dahil sa patuloy na pambobomba sa Ukraine, napapaharap sa iba’t ibang mahihirap na kalagayan ang mga kapatid natin sa Mariupol, Kharkiv, Hostomel at iba pang lunsod. May ilan na mga isang linggo nang hindi makaalis sa basement nila o pinagtataguan. Paubos na ang suplay ng pagkain at bihirang magkaroon ng kuryente, Internet, at mga signal sa cellphone kaya nahihirapan silang kontakin ang ibang kapatid.
Nakakalungkot, si Brother Dmytro Rozdorskyi, 28-taóng-gulang na elder sa Myrnohrad, ay namatay dahil sa mga sugat na natamo niya nang makatapak siya ng bomba. Ipinapanalangin natin ang mga kapatid nating namatayan ng mahal sa buhay at ang mga kapatid na nasa mga lugar na binobomba.—2 Tesalonica 3:1.
Ang report na ito mula sa Ukraine ay hanggang nitong Marso 7, 2022:
Epekto sa mga Kapatid
2 kapatid ang namatay
8 kapatid ang nasugatan
20,617 kapatid ang lumikas at pumunta sa mas ligtas na mga lugar
25 bahay ang nawasak
29 na bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
173 bahay ang bahagyang nasira
5 Kingdom Hall ang nasira
Relief Work
27 Disaster Relief Committee (DRC) ang tumutulong sa Ukraine
6,548 kapatid ang tinutulungan ng mga DRC na makahanap ng matutuluyan sa mas ligtas na mga lugar
7,008 kapatid ang lumikas papuntang ibang bansa at tinutulungan sila ng mga kapatid doon
1 Assembly Hall at mga 30 Kingdom Hall sa western Ukraine, gaya ng sa Chernevtsi, Ivano-Frankivsk, Lviv, at mga rehiyon sa Transcarpathian, ang inihanda para matuluyan ng mga refugee