Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 16, 2022
UKRAINE

UPDATE #13 | Kitang-kita ang Pag-ibig ng mga Kapatid sa Nangyayaring Krisis sa Ukraine

Balik Pangangaral sa Bahay-Bahay

UPDATE #13 | Kitang-kita ang Pag-ibig ng mga Kapatid sa Nangyayaring Krisis sa Ukraine

Noong Agosto 2022, ipinatalastas na mangangaral na muli sa bahay-bahay sa ligtas na mga lugar sa Ukraine. Sabik na sabik ang mga kapatid na makibahagi. Napansin nila na maraming tao ang gustong makinig sa mensahe ng Bibliya. Sinabi ng isa na gustong magpa-Bible study: “Nakita ko ang hirap at pagdurusa ng mga tao sa panahon ng digmaan. Kaya maliwanag sa akin na Diyos lang ang makakalutas sa lahat ng problema ng tao.” Narito ang ilang karanasan mula sa ministeryo.

Medyo ninenerbiyos si Ruslan mula sa Lanivtsi Congregation na mangaral muli sa bahay-bahay. Nanalangin silang mag-asawa kay Jehova na bigyan sila ng lakas ng loob at akayin sila sa mga taong interesado sa mas magandang kinabukasan. Tuwang-tuwa sila kasi dalawang oras pa lang silang nangangaral, walo na ang nakausap nila, at lahat ay gustong magpa-Bible study.

Habang nangangaral si Olha mula sa Kremenets Congregation, may lalaking humabol sa kaniya at sa kasama niya. Tinanong niya sila kung nakikipag-usap ba sila sa mga tao tungkol sa Salita ng Diyos. Ipinaliwanag niya: “Naninigarilyo kasi ako at problema ko ang pag-inom ng alak. Alam kong malapit na akong hatulan ng Diyos. Kapag dumating ang panahong iyon, ayokong ganito ang kalagayan ko.” Isinaayos na madalaw siya ng mga brother sa lugar na iyon at maturuan sa Bibliya.

Habang nangangaral sa isang nayon kasama ng kaniyang service group, natandaan ni Vasyl mula sa Lviv-Riasne-Skhidnyi Congregation ang bahay ng isang babae na nakausap niya mga ilang taon na ang nakakaraan. Naalala niya na galít at ayaw makipag-usap ng babae sa mga Saksi ni Jehova. Pero kumatok pa rin siya sa pinto para mag-alok ng Bible study. Laking gulat niya nang lumabas ang mismong babaeng iyon at nagsabing gusto niyang maintindihan ang Banal na Kasulatan. Pumayag siyang magpa-Bible study, kaya isinaayos ng brother na isang sister ang bumalik para tulungan ang babae.

Si Serhii, mula sa Illintsi Congregation, ay nabautismuhan noong 2021. Hindi pa siya nakakapangaral sa bahay-bahay. Ninenerbiyos siya, kaya naghanda siyang mabuti. Sinabi ni Serhii: “Paulit-ulit kong pinanood ang sampol na presentasyon. Tapos, nilakasan ko ang loob ko.” Nakakatuwa, sinabi niya na napalitan ng malaking kagalakan ang pag-aalala niya kasi nagkaroon siya ng pagkakataong sabihin sa iba ang mabuting balita.

Si Nikol mula sa Rozdil Congregation ay naging di-bautisadong mamamahayag noong Agosto 2022. Sinabi niya: “Kinakabahan ako at natatakot pa nga akong sumama sa bahay-bahay. Pero matapos kong gawin ito, ang sarap palang magbahay-bahay at makausap ang mga tao tungkol kay Jehova!”

Dalawang sister na nangangaral sa bahay-bahay

Hanggang nitong Nobyembre 11, 2022, makikita sa ibaba ang mga report mula sa Ukraine. Ang mga ito ay batay sa mga kumpirmadong report ng mga kapatid doon. Pero posibleng mas mataas ang mga aktuwal na bilang, dahil sa ngayon, mahirap ang komunikasyon sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Epekto sa mga Kapatid

  • 46 na kapatid ang namatay

  • 97 kapatid ang nasugatan

  • 12,569 na kapatid ang lumikas

  • 590 bahay ang nawasak

  • 645 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 1,722 bahay ang bahagyang nasira

  • 6 na Kingdom Hall ang nawasak

  • 19 na Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 63 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • 27 Disaster Relief Committee (DRC) ang tumutulong sa Ukraine

  • 53,948 kapatid ang tinutulungan ng mga DRC na makahanap ng matutuluyan sa mas ligtas na mga lugar

  • 25,983 kapatid ang lumikas papuntang ibang bansa at tinutulungan sila ng mga kapatid doon