Pumunta sa nilalaman

Lalong tumindi ang pag-uusig sa mga kapatid natin sa ilang teritoryo ng Donetsk at Luhansk, sa gawing silangan ng Ukraine. Isang Kingdom Hall sa Luhansk ang pinagnakawan, sinira, at sinunog noong Mayo 30, 2018.

OKTUBRE 15, 2018
UKRAINE

Ipinagbawal ng “Donetsk People’s Republic” ang mga Saksi ni Jehova

Ipinagbawal ng “Donetsk People’s Republic” ang mga Saksi ni Jehova

Noong Setyembre 26, 2018, ang relihiyon ng mga Saksi ni Jehova ay hinatulang “ekstremista” ng Supreme Court ng “Donetsk People’s Republic” (DPR), at ipinagbawal nito ang mga gawain nila. Sa paglilitis, hindi man lang kinuha ng general prosecutor, na nagsampa ng kaso laban sa ating legal na korporasyon, at ng Supreme Court ang panig ng mga Saksi ni Jehova. Ipinapakita ng pagbabawal na ito kamakailan na lalong tumitindi ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova sa rehiyong iyon.

Lalong humirap ang kalagayan ng mga kapatid natin sa ilang teritoryo ng Donetsk at Luhansk, sa gawing silangan ng Ukraine, mula nang ideklarang “ekstremista” ng DPR Supreme Court ang ilang publikasyon natin noong kalagitnaan ng 2017. Nang taóng iyon, mahigit 170 Saksi ang sumailalim sa interogasyon ng mga pulis. Kinuha rin ng mga awtoridad sa mga rehiyong iyon ang mga Kingdom Hall. Noong Agosto 29, 2018, nakakuha na ang mga awtoridad ng 16 na Kingdom Hall.

Kahit pinag-uusig ang mga kapatid natin sa mga teritoryong iyon, patuloy silang nagtitiwala sa ‘Diyos ng kaligtasan.’—Awit 18:46.