Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 13, 2015
UKRAINE

Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Rehiyon ng Donetsk at ng Luhansk sa Ukraine, Inagaw

Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Rehiyon ng Donetsk at ng Luhansk sa Ukraine, Inagaw

Rehiyon ng Donetsk

HORLIVKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Sa pagtatapos ng Hunyo 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall, ninakaw ang mga elektronikong kagamitan, at naglagay ng mga bagong kandado. Ginawa nila itong baraks.

Bayan ng Horlivka 75 Akademika Koroliova St.

HORLIVKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Hulyo 5, 2014, inagaw ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall. Ginawa nila itong baraks at imbakan ng bala, pero inabandona nila ito noong Setyembre 2014. Bumalik ang mga Saksi at muling ginamit ang Kingdom Hall para sa kanilang mga pagtitipon.

  • Noong Oktubre 12, 2014, pinahinto ng mga armadong lalaki ang isinasagawang pagtitipon sa Kingdom Hall at inutusan ang mga naroroon na huwag nang magsagawa ng relihiyosong mga gawain. Sinabi nilang relihiyong Ortodokso lang ang pinapayagan sa rehiyon at malapit na nilang “alisin ang lahat ng Saksi ni Jehova.” Ginawa nilang baraks ang Kingdom Hall.

Lunsod ng Donetsk 10 Karamzina St.

DONETSK—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Agosto 13, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall at ginawa itong baraks.

  • Noong Agosto 19, 2014, ninakaw ng mga lalaki ang kagamitan sa sound at inabandona ang gusali. Bumalik ang mga Saksi at muling ginamit ang Kingdom Hall para sa kanilang mga pagtitipon.

  • Noong Oktubre 18, 2014, matapos magtipon ang mga Saksi, dumating sa Kingdom Hall ang mga kinatawan ng Fourth Oplot Battalion at sinabi sa mga naroroon na kinukuha nila ito.

  • Noong Nobyembre 18, 2014, inutusan ng mga armadong lalaki ang mga Saksi na pirmahan ang kasulatan na nagsasabing inililipat nila ang pagmamay-ari ng Kingdom Hall sa Commandant’s Office ng Petrovskyi and Kirovskyi District. Ginawa nilang baraks ang gusali.

Bayan ng Horlivka 4 Hertsena St.

HORLIVKA—Inagaw ng mga sibilyan ang Kingdom Hall.

  • Noong Setyembre 30, 2014, ininterbyu ng isang istasyon ng TV ang “bagong may-ari” ng Kingdom Hall na nagsabing kinuha ito sa mga Saksi ni Jehova para gawing boxing school. Mula noong 2013, ang Kingdom Hall na ito ay paulit-ulit nang naging target ng bandalismo at panununog. Ang huling pagtatangka na sunugin ito ay nangyari noong Hunyo 5, 2014.

DONETSK—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Oktubre 26, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ng Shakhtar Battalion ng Donetsk People’s Republic (DPR) ang Kingdom Hall at ginagamit nila ito ngayong baraks.

Bayan ng Zhdanivka 14 Komsomolska St

ZHDANIVKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Oktubre 27, 2014, inagaw ng mga armadong grupo ng Horlivka ang Kingdom Hall dahil utos daw ito ng isang kumandante. Sinabi ng Horlivka Deputy Commandant na relihiyong Ortodokso lang ang pinapayagan sa rehiyon at ipinagbabawal ang lahat ng iba pang relihiyon.

  • Noong Nobyembre 21, 2014, isang squad commander ng ibang armadong grupo ang pumalit, at sinabi nito sa mga Saksi ni Jehova na mga tauhan na niya ang gagamit sa Kingdom Hall.

Nayon ng Telmanove 112 Pervomaiska St.

TELMANOVE—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Nobyembre 4, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang gusali at nagtalaga ng mga armadong guwardiya.

  • Noong Disyembre 11, 2014, nagpasok ng mga bala ang mga lalaki sa gusali at ginagamit nila itong baraks ngayon.

Bayan ng Makiivka 17 Pecherska St.

MAKIIVKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall pero inabandona rin nang maglaon.

  • Noong Nobyembre 5, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ng Rus Battalion ang Kingdom Hall. Inutusan nila ang mga Saksi na ibigay sa kanila ang mga susi nito at huwag nang babalik. Nang sumunod na araw, tinanggal ng kinatawan ng kumander ang karatula ng Kingdom Hall at pinalitan ito ng watawat ng batalyon.

  • Noong Nobyembre 26, 2014, inabandona ng batalyon ang gusali.

HORLIVKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall pero inabandona rin nang maglaon.

  • Noong Nobyembre 29, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall at sinabi sa mga Saksing naroroon na kukunin na nila ito. Isa sa mga lalaki ang nagsabi na relihiyong Ortodokso lang ang pinapayagan ng gobyerno ng DPR sa rehiyon. Nagtalaga sila ng mga armadong guwardiya sa gusali at pinagbawalang bumalik ang mga Saksi. Nang sumunod na araw, inabandona ng mga lalaki ang gusali.

Bayan ng Zuhres 1 Cherniakhovskoho St.

ZUHRES—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Disyembre 20, 2014, idineklara ng kumandante ng bayan na kinukuha niya ang gusali. Inutusan niya ang mga Saksi ni Jehova na ibigay sa kaniya ang mga susi ng Kingdom Hall at huwag nang babalik.

DONETSK—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Pebrero 1, 2015, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall. Inutusan nila ang mga Saksi na ibigay ang mga susi ng Kingdom Hall at pirmahan ang kasulatan na nagsasabing inililipat nila ang pagmamay-ari ng Kingdom Hall sa milisya hanggang sa matapos ang digmaan.

YENAKIEVE—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Marso 3, 2015, inutusan ng mga armadong lalaki ang mga Saksi ni Jehova na ibigay ang mga susi ng Kingdom Hall para magamit nila itong baraks.

Rehiyon ng Luhansk

Bayan ng Antratsyt 4 Komunarska St.

ANTRATSYT—Inagaw ng mga sibilyan ang Kingdom Hall.

  • Noong Setyembre 2014, dalawang beses pinasok ng hindi nakilalang mga tao ang Kingdom Hall. Ninakaw nila ang mga elektronikong kagamitan at isinulat sa pader ang mga salitang, “Orthodox Cossacks!”

  • Noong Setyembre 25, 2014, inireport ng isang istasyon ng TV roon na ang mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ay kinuha sa kanila para gamitin sa ibang layunin, gaya ng kindergarten.

Bayan ng Rovenky 84-A Dzerzhynskoho St.

ROVENKY—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Setyembre 23, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ng St. George Battalion ang Kingdom Hall at pinagbawalang bumalik ang mga Saksi. Ginawa itong baraks ng mga armadong lalaki.

PEREVALSK—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Nobyembre 5, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang gusali sa pangunguna ng Deputy Chief ng Military Commandant’s Office, at idineklara sa mga Saksing naroroon na kinukuha nila ito para gamiting dining hall. Sinabi ng deputy chief, “Tapós na ang maliligayang araw ng mga Saksi ni Jehova.” Sinabi rin niyang hindi na sila makapagsasagawa ng kanilang mga relihiyosong gawain.

Bayan ng Krasnyi Luch 37 Radianska St.

KRASNYI LUCH—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Disyembre 5, 2014, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall. Nagtalaga sila ng mga armadong guwardiya sa buong gusali at ginawang paradahan ng mga sasakyang pangmilitar ang bakuran nito.

BRIANKA—Inagaw ng milisya ang Kingdom Hall.

  • Noong Marso 26, 2015, pinasok ng mga armadong lalaki ang Kingdom Hall. Kinuha nila ang lahat ng muwebles sa gusali at pinalitan ang karatula ng Kingdom Hall ng “The Almighty Don Host.”