Pumunta sa nilalaman

Si Sister Helen Budge habang gumagamit ng braille notetaker

MARSO 24, 2021
UNITED KINGDOM

Nakibahagi sa Kampanya sa Memoryal Kahit may Kapansanan

Nakibahagi sa Kampanya sa Memoryal Kahit may Kapansanan

Si Helen Budge, na isang Saksi ni Jehova sa Edinburgh, Scotland, ay bulag. Gaya ng lahat ng Saksi, hindi rin makadalaw si Helen sa mga tao para mangaral dahil sa restriksiyon ng pandemic. Pero hindi siya nito napigilan na gawin ang magagawa niya para makibahagi sa kampanya sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus.

Gumagawa muna si Helen ng notes gamit ang braille notetaker. “Para ’yong lapis at papel sa akin,” ang sabi niya. Pagkatapos, idinidikta ni Helen sa pamangkin niya ang ginawa niyang braille notes para isulat ito.

Ang imbitasyon sa Memoryal sa braille

Dahil Saksi ni Jehova ang nanay at lola ni Helen, napakahalaga ng Memoryal para sa kaniya. Sinabi niya na lagi siyang excited na mag-imbita para sa okasyong ito. “Pang-70 ko nang Memorial ’to,” ang sabi niya. “Taon-taon, tuwang-tuwa ako kapag natanggap ko na ang imbitasyon sa Memoryal sa braille. Binabasa ko iyon para malaman ang mga detalye. ’Tapos, iniisip ko kung sino ang mga gusto kong imbitahan.”

Anuman ang kalagayan ng tapat na mga Kristiyano sa buong mundo, pag-ibig ang dahilan kung bakit nila iniimbitahan ang iba na dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo sa Sabado, Marso 27.—Lucas 22:19.