HULYO 27, 2017
UNITED KINGDOM
Pagtulong ng mga Saksi Nang Masunog ang Apartment Building sa London
Tinulungan ng mga Saksi ni Jehova ang mga biktima ng kapaha-pahamak na sunog na tumupok sa Grenfell Tower, isang apartment building na may 24 na palapag sa North Kensington ng London, noong madaling araw ng Hunyo 14, 2017. Iniulat ng mga awtoridad na di-kukulangin sa 79 katao ang namatay.
Apat na Saksi ang inilikas mula sa gusali, dalawa sa kanila ay mga residente ng Grenfell Tower. Mabuti na lang, walang nasugatan sa kanila, bagaman ang mga apartment ng mga Saksi ang kabilang sa lubusang nasunog. Ang mga Saksing nakatira malapit sa natupok na gusali ay nagbigay ng pagkain, damit, at pera sa kanilang mga kapuwa Saksi at sa mga kapamilya nito na nasunugan. Nagbibigay rin ng espirituwal na kaaliwan ang mga Saksi sa nagdadalamhating komunidad sa North Kensington.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
United Kingdom: Andrew Schofield, +44-20-8906-2211