Pumunta sa nilalaman

MAYO 17, 2017
UNITED STATES

Ibinenta ng mga Saksi ang 107 Columbia Heights, Dating Tirahan ng Punong-Tanggapan sa Makasaysayang Brooklyn

Ibinenta ng mga Saksi ang 107 Columbia Heights, Dating Tirahan ng Punong-Tanggapan sa Makasaysayang Brooklyn

NEW YORK—Noong Mayo 9, 2017, ang mga Saksi ni Jehova at isang kasosyong real estate na kompanya na Clipper Realty ay opisyal na nagkasundo sa bentahan ng 107 Columbia Heights, na nasa Makasaysayang Distrito ng Brooklyn Heights sa New York. Mula noong 1960, ang gusali ay nagsilbing tirahan ng mga miyembro ng staff ng pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi.

Ang 11-palapag, 154,058-gross-square-foot (14,312 sq m) na pag-aari ay katabi ng pasyalan sa Brooklyn Heights. Makikita rito ang isang hardin sa looban na may fountain at terasa sa bubong kung saan matatanaw ang Brooklyn Bridge, East River, at Lower Manhattan.

Tanawin ng hardin sa looban at fountain sa 107 Columbia Heights.

“Nakakatuwang makita ang aming mga kapitbahay, lalo na ang mga pamilyang nasa kabataan pa, na nasisiyahan habang naglalakad sa 107 Columbia Heights o natutuwa sa aming fountain at hardin,” ang naaalaala ni David A. Semonian, tagapagsalita sa bagong punong-tanggapan ng mga Saksi sa Warwick, New York. “Ang pag-aaring ito ay naging kapaki-pakinabang sa amin sa loob ng mahigit 50 taon at naging isa sa mga landmark ng pamayanan sa Brooklyn Heights.”

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000