Pumunta sa nilalaman

ABRIL 27, 2020
UNITED STATES

2020 Memoryal—United States

Ipinalabas ang Pahayag sa Memoryal sa Dalawang Bilangguan sa Florida

2020 Memoryal—United States

Noong gabi ng Abril 7, ipinalabas sa dalawang bilangguan sa Palm Beach County, Florida, ang pahayag sa Memoryal para sa mahigit 1,100 bilanggo. Natuloy ang programa kahit walang Saksi ni Jehova na nakapunta para isaayos ito.

Isa sa 12 brother na linggo-linggong nagtuturo sa bilangguan ang nagsabi: “Nagulat kami kasi wala na kaming kailangang asikasuhin. Gusto talaga ni Jehova na marinig ng mga bilanggo ang pahayag sa Memoryal.”

Nagpaalam na ang mga brother sa pari ng bilangguan para makapagsaayos sila ng Memoryal sa dalawang bilangguan. Pero nang magkaroon ng restriksiyon dahil sa COVID-19, hindi na iyon natuloy. Nag-iisip pa lang ng paraan ang mga brother nang tanungin sila ng pari kung may nakarekord silang pahayag para sa Memoryal. Pinaplano na pala niyang ipalabas ang pahayag sa dalawang bilangguan.

Bukod sa video, magpapadala rin sana sila ng mga imbitasyon para sa Memoryal. Pero nalaman nila na naglagay na pala ang pari ng mga notice sa mga bilangguan tungkol sa pahayag. Noong gabi ng Memoryal, puwedeng makapanood ng pahayag ang lahat ng bilanggo.

Pagkatapos ng Memoryal, kinontak ng pari ang mga brother at humingi ng mga kopya ng Bibliya para sa mga bilanggo. Naubos na kasi ang lahat ng Bibliya na nandoon. Pero may mga bilanggo na humihingi pa rin ng Bibliya.

Masayang-masaya tayo na hindi napipigilan ang gawaing pangangaral kahit sa bilangguan.—Mateo 24:14.