Pumunta sa nilalaman

Ang 2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Newburgh, New York, U.S.A.

MAYO 15, 2023
UNITED STATES

2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon, Nagsimula Na

2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon, Nagsimula Na

Inihinto ang in-person na mga panrehiyong kombensiyon noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic. Sa taóng ito, mahigit 6,000 na mga panrehiyong kombensiyon na may temang “Maging Matiisin”! ang gaganapin sa buong mundo sa mahigit 500 wika. Ang una sa in-person na mga kombensiyon ay idinaos mula Mayo 12 hanggang 14, 2023.

Si Sister Khrystine Torres ay kabilang sa mahigit 1,800 na dumalo sa kombensiyon sa Newburgh Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses sa Newburgh, New York, U.S.A. Sinabi niya: “Nang sabihin ng chairman: ‘Malugod namin kayong tinatanggap,’ biglang nagpalakpakan ang buong audience. Tuwang-tuwa kami kasi sa wakas, magkakasama na kaming nagtitipon.” Sinabi ni Brother Duane Smith, na dumalo rin sa kombensiyon: “Lahat, excited! Makikita mo talaga ’yon sa mga kapatid.”

Ito ang unang pagdalo ni Sister Jessica Dolcemascolo sa in-person na kombensiyon, kasi nitong pandemic lang siya nabautismuhan. Sinabi niya: “Damang-dama ko y’ong kagalakan, pag-ibig, at kaligayahan. Y’ong pakiramdam ko, kapareho n’ong nararamdaman natin kapag nakita natin ang best friend natin na matagal na nating hindi nakikita.” Sinabi naman ng 18-taóng-gulang na si Sister Noemi Tinajero, na nabautismuhan maaga nang taóng ito: “Ang saya-saya ng mga magkakapamilya at magkakaibigan. . . . Parang nasa bagong sanlibutan na.”

Mga sister na dumarating sa kombensiyon sa Newburgh noong Biyernes ng umaga

Marami ang nagandahan sa tema ng programa. Sinabi ni Brother Sam Huh: “Mahirap para sa marami sa atin na maging matiisin. Napapanahong paalaala ito na kailangan nating tularan ang napakagandang halimbawa ng pagkamatiisin ni Jehova.” Sinabi naman ni Sister Frenchie Smith: “Tinuruan ako ng kombensiyong ito na mahalaga na maging matiisin sa lahat ng aspekto ng buhay ko. May matututuhan tayo sa buong programa.”

Talagang napatibay ang lahat ng dumalo sa unang kombensiyon sa Newburgh, New York! Umaasa tayo, kasama ang milyon-milyon sa buong mundo, na sa darating na mga buwan ay makikinabang tayo sa inihandang programa na mula sa Bibliya.—Awit 122:1.